Wednesday, May 18, 2022 05:17 AM | Welcome guest
 
Login Page
 
LOGIN
For registered users only:
 
          Username
 
          Password
 
 
Login Page
  Quick Search:
 
 
 expert search
  search FAQs
 OPAC how to
 
Catalog View

DOST Union Catalog

Books Tech Reports Analytics Serials NonPrints Reprints Inv. Proj. Thesis Vertical Files

1 catalog(s) found.
TITLE       Sunog-baga, nangungunang dahilan ng kanser sa pilipinas
CALL NO(S)      Fil(S) Q1.A3 N4 /
LOCATION(S)      STII / FNRI 
PUBLICATION TITLE      S&T Post
VOLUME/ISSUE      24
ISSUE DATE      2006 October-December
PAGINATION/COLLATION      31
MAIN AUTHOR      Bugas, Marie T.
ABSTRACT      Ang sigarilyo ay galing sa tabako, isang uri ng halamang pinakikinabangan ang dahon na ginagamit sa pagsisigarilyo (smoking), pagnguya (chewing), at pag-singhot (sniffing). Sa ika-10 mensahe ng Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF), 2000 (“Para sa malusog na pamumuhay at wastong nutrisyon, mag-ehersisyo nang palagian, huwag manigarilyo, at iwasan ang pag-inom ng alak”) na isinagawa ng inter-agency technical working group na pinamunuan ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology, may tatlong mapanganib na sangkap na nakukuha sa sigarilyo. Ito ay ang: (a) carbon monoxide o ang gas na pumipinsala sa kakayahan ng dugo upang tustusan ng sapat na oxygen ang mahahalagang bahagi ng katawan, dahilan upang kapusin sa hangin para sa paghinga (shortness of breath) sa mga naninigarilyo; (b) nicotine o ang sangkap na nakapagpapa-addict sa tabako at sanhi ng panganib sa puso dahil sa pagtaas ng blood pressure at heart rate; at (c) tar o ang malagkit na kayumangging sangkap na maaaninag sa usok at nabubuo sa baga kapag nalanghap. Ang tar ay napag-alamang matapang na carcinogen o nakapagdudulot ng kanser. Kasama ng iba pang nakalalasong sangkap sa sigarilyo, ang mga nabanggit ay maaaring maging sanhi ng lung cancer, emphysema, chronic bronchitis, ischemic heart disease, at hypertension. Ayon sa World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH), ang paggamit ng tabako ay nakadaragdag ng panganib ng atake sa puso maliban sa iba pang mga sakit. Ayon sa Philippine Cancer Society (halaw sa Inquirer News Service, Hunyo 2003), ang kanser sa baga ay nangungunang sakit na sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas na umaabot sa 11,000 mga kasong naitatala bawat taon. Sa isinagawang Philippine Global Youth Tobacco Survey na sumakop sa 11,630 estudyante, napag-alamang may 27 porsiyento sa mga ito ang kasalukuyang naninigarilyo. Napakataas rin ng Environmental Tobacco Smoke Exposure na natuklasan sa mga estudyanteng nakasama sa surbey. Anim (6) na estudyant sa bawat 10 ang may kasamang naninigarilyo sa bahay. Mahigit pito (7) naman sa 10 ang nakahantad o exposed sa usok sa mga pampublikong lugar, at halos anim (6) sa 10 ay may mga magulang na naninigarilyo. Samantala, may nakitang pag-asa para sa problema ng paninigarilyo dahil ayon sa ibang resulta ng surbey, mahigit walo (8) sa kada 10 sa mga naninigarilyong estudyante ay nagnanais maihinto ang paninigarilyo. STP
SUBJECTS       Nutrition
   Carbon monoxide - Nicotine
   Smoking - Chewing
   Smoking - sniffing
   Blood pressure - Heart rate
   
 
 [1]
Copyright (C) 2002 The Science and Technology Information Network of the Philippines (SCINET-PHIL)
URL :
http://scinet.dost.gov.ph